^

Police Metro

Rios, duguan kay Pacman

Mer Layson at Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Duguan si Brandon ‘Bam Bam’ Rios kay People’s Champ Manny ‘Pacman’ Pacquiao  sa kanilang laban sa Cotai, Arena sa Macau, kahapon, kung saan ay nanalo by una­nimuos decision ang Pinoy boxer.

Kitang-kita ang pag-agos ng dugo sa mag­kabilang kilay at halos hindi na makilala ang magandang pagmumukha ni Rios matapos na bugbugin ni Pacman sa kanilang laban.

Tila naawa pa si Pacquiao kay Rios kaya sa dalawang huling round ng kanilang laban ay umilag-ilag na lang ang pambansang kamao ng Pilipinas kahit kaya nitong pabagsakin si ‘Bam Bam’.

Naghatid ng saya at ligaya sa mga Pinoy partikular sa mga biktima ng super bagyong ‘Yolanda’ ang pagkakapanalo ni Pacman.

Ayon naman kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, muling na­kabawi ang Pilipinas sa mga malulungkot na trahedya at kontrobersiyang kinasasangkutan ng bansa sa pagkakapanalo ni People’s Champ.

Sinabi ni Barzaga, sa wakas ay nagkaroon na rin ng magandang balita sa Pilipinas matapos ang malulungkot na trahedya tulad ng Zamboanga siege at pork barrel scam, lindol sa Buhol at Cebu at pananalasa ng super bagyong ‘Yolanda’ sa Leyte, Samar at iba pang bahagi ng bansa.

Paliwanag pa ng mambabatas, nasa ti­ming lang ang pagkakapanalo ng kongresista mula sa Saranggani para maka-recover naman ang Pilipinas sa sunod sunod na delubyo, dagok at problema.

Umaasa si Barzaga na sa Pilipinas na gagawin ang susunod na laban ni Pacquiao dahil kung ang maliit umanong bansa tulad ng Macau ay nakakapag-host ng laban ng People’s Champ ay maaa­ring  kayanin din ito ng Pilipinas.

Aniya, magbibigay ng pagkakataon sa mga fans ni Pacquaio na mapanood ng personal ang laban nito bukod pa ang pagdagsa ng mga turista sa bansa.

 

BAM BAM

BARZAGA

CAVITE REP

CHAMP MANNY

ELPIDIO BARZAGA

MACAU

PACMAN

PACQUIAO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with