^

Police Metro

Sekyu biniro ng kabaro,dedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang sekyu matapos na pumutok ang baril na biniro ng kabaro na itutok sa noo sa paglalaro nila ng Russian roulette naganap kamakalawa ng hapon sa Sta.Rosa City,Laguna.

Namatay noon din ang biktima na si Richard­ Bandejas, 28, security guard ng Millgos Agency ng Southville IV, Brgy. Pooc ng lungsod.

Dinakip  naman ang suspek na si Robert Roxas, 19, binata, kasamahang guwardiya ng biktima at stay in guard ng Carlton Residences.

Sa ulat, dakong alas-2:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa guard house ng Carlton Residences sa Brgy. Dita ng siyudad.

Sa salaysay ng mga sekyu na sina Mark Ian Mahinay, 21 at Christian Recla, 21 na nakita nilang naglalaro ang biktima at suspek ng Russian roulette at dito ay hawak ni Bandejas ang nakaisyu ritong baril na itinutok at kina­labit ng tatlong beses sa kaniyang ulo pero hindi pumutok.

Dahil sa hindi pumutok ay sinabi ng suspek sa biktima na gamitin ang kanyang baril  na isinunod naman nito at  itinutok  sa noo  ng biktima na aksidente nitong nakalabit ang gatilyo at pumutok na siyang dag­liang ikinamatay ng biktima.

Ang suspek ay kinasuhan ng homicide at nakakulong na sa detention cell ng Sta. Rosa City Police Station.

 

vuukle comment

BANDEJAS

BRGY

CARLTON RESIDENCES

CHRISTIAN RECLA

MARK IAN MAHINAY

MILLGOS AGENCY

ROBERT ROXAS

ROSA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with