Abad pwedeng kasuhan ng contempt - SC justice
MANILA, Philippines - Maaaring patawan ng parusa sa kasong contempt si Budget and Management Secretary Butch Abad.
Ito ang tahasang sinabi ni Supreme Court Associate Justice Arturo ÂBrion dahil sa pagbaliwala o paglabag sa ipinalabas na temporary restraining order sa kinukuwestiyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) na maituturing na ‘constiÂtutionally anomalous’ na tinamasa ni Pangulong Benigno S. Aquino III.
Nakasaad rin sa 20-pahinang Separate Concurring and Dissenting Opinion ni Justice Brion, na nagsimula ang iregularidad sa paggamit ng pork barrel nang payagan ng Kongreso ang PaÂngulo na gamitin ang buo o lump sum na pork barrel nang walang nagaganap na congressional scrutiny.
Ipinunto pa ni Brion na mistulang isinurender ng Kongreso ang budgeting prerogatives sa Punong Ehekutibo habang ipinagkaloob din ang share nito sa kasalukuÂyang pork barrel system.
Inamin din ng mahistrado na pinaboran din niya ang pag- “strike down†sa “energy†component ng Section 8, President Decree No. 910 o ang Malampaya Fund noong kapanahunan ni dating pangulong Marcos lalo pa at discretionary lump sum fund ito.
Hindi nakalusot sa mahistrado ang DBM Circular Letter na pinalabas ni Abad noong September. 27, 2013, na nagbibigay pahintulot sa mga implementing agencies na ipagpatuloy ang implementasyon ng PDAF proÂjects.
- Latest