^

Police Metro

P50-M heavy equipment sinunog ng NPA rebels

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinunog ng mga ar­madong grupo na pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga heavy equipment nang salakayin ang construction site ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Brgy. Titik, Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon nang salakayin ng may 15-20 armadong grupo kabilang ang apat na babae ang construction site ng DPWH sa nasabing lugar.

Nabatid na abala sa pagtratrabaho sa nasa­bing construction site ang mga trabahador at empleyado ng ESR at DPWH nang lumusob ang mga armadong grupo at tutukan ang mga ito ng baril .

Walang nagawa ang mga kawani sa matin­ding takot sa mga armadong grupo na agad binuhusan ng gasolina ang mga heavy equipment at sinilaban hanggang sa maabo.

Tinataya namang umaabot sa P50,305,000 milyon ang kabuuang halaga ng mga nasunog na heavy equipment na pagmamayari ng DPWH at ESR Cons­truction Supply.

vuukle comment

BATAY

BRGY

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

NABATID

NEW PEOPLE

NORTE

SINDANGAN

SINUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with