Failure of elections sa Bacoor, ibinasura ng Comelec
MANILA, Philippines - Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon tungkol sa pagdeklara ng failure of elections sa Bacoor City, lalawigan ng Cavite kung kaya’t wala nang hadlang para umupo sa pwesto si Mayor Strike Revilla at iba pang opisyal ng lungsod.
Sa resolusyon na inilabas ng Comelec en banc, walang merito at walang basehan ang reklamong failure of elections at malinaw umano na inihalal ng nakararaming mamamayan sa lungsod si Mayor Revilla at ang kanyang Bise Alkalde na si Karen Sarino-Evaristo.
Inihain ng mga natalong kandidato ng Liberal Party sa Bacoor City ang reklamong failure of elections dahil sa umanoy malawakang vote buying noong nagdaang May 13 elections.
Subalit, nilinaw ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na hindi kailanman maaaring gamiting dahilan ang “vote buying†para ideklara ang failure of elections.
Idinagdag pa ng ComeÂlec na malinaw na nagkaroon ng eleksyon sa Bacoor City at sa pamamagitan ng mahigit 119,000 na boto ay idineklarang panalo bilang alkalde si Revilla at Bise Alkalde naman si Evaristo na nakakuha ng mahigit 80,000 boto.
- Latest