^

Police Metro

Tubig dumaloy na sa Tacloban City

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumaloy na rin ang suplay ng tubig sa Tacloban City, Leyte matapos ang halos dalawang linggo  na maputol ang suplay dahil sa super typhoon Yolanda.

Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe­cutive Director Eduardo del Rosario at maiibsan na paghihirap ng mga tao dito.

Nagbukas na rin ang highways ng Tacloban na nagsara dahilan sa tambak ng mga nabuwal na punong kahoy, poste ng kuryente at iba pang na nasira ng bagyo.

Nagsimula na ring magbukas ang mga palengke na nagsipagsara at nagkakaroon na ng mga market transactions kaya’t may halaga na uli ang pera na hindi tulad dati ay walang halaga dahil hindi ka makabili ng mga pagkain at iba pang kailangan.

Inaasahan namang magbubukas na rin ang ATM sa darating na Huwebes, gayundin ang iba pang mga bangko sa lungsod.

Nakapag-deliver na ang pamahalaan ayon pa sa opisyal ng kabuuang 430,435 relief goods sa buong Region 8 o Eastern Visayas.

 

DIRECTOR EDUARDO

DUMALOY

EASTERN VISAYAS

HUWEBES

INAASAHAN

LEYTE

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with