^

Police Metro

Liblib na lugar sa Leyte napasok na ng tulong

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napasok na ng tulong ang mga residente na nakatira sa mga liblib na lugar sa Leyte.

Ito ang iniulat kahapon ni Interior and Local Go­vernment Secretary Mar Roxas na nagsabing may 40 munisipalidad sa Leyte na hindi naaabot dati ng tulong ngayon ay nabigyan na.

Sinabi pa ni Roxas, ang bayan din ng Hilongos at Palompon na dating hindi nabibigyan ng relief goods, ay nakapag-establish na ng contact sa government’s logistics hub sa Ormoc City nitong Sabado at sinimulan na ang pagdadala ng  food packs at iba pang relief items pabalik sa kanilang constituents na nakaligtas sa bangis ni Super typhoon ‘Yolanda’.

“Ngayon ay masasabi na natin na nabigyan na ng relief goods ang lahat ng bayan sa Leyte,” sabi pa ni Roxas.

Samantala, doble kayod ngayon ang ginagawang pagtatrabaho ng mga tauhan at opisyal ng DSWD at mga volunteers upang matiyak na hindi matitigil ang tulong na kanilang maipagkakaloob sa mga residenteng sinalanta ni ‘Yolanda’.

Ayon pa kay Roxas, hindi dapat na mag-alala ang mga mamamayan sa Western Visayas dahil nagtutulungan umano ang pamahalaan at private sector para siguraduhin na madadalan sila ng pagkain.

 

AYON

HILONGOS

LEYTE

ORMOC CITY

ROXAS

SECRETARY MAR ROXAS

WESTERN VISAYAS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with