Nasawi kay ‘Yolanda’ tumataas pa
MANILA, Philippines - Patuloy pang tumataas ang bilang ng mga nasawi sa nagdaang super bagyong si ‘Yolanda’.
Sa alas-6:00 ng umaÂgang update ng NDRRMC, ang bilang ng mga nasawi ay pumalo na sa 3,681 habang 12,544 naman ang sugatan at 1,186 ang nawawala.
May kabuuang 2,178,156 pamilya o 10,154,357 tao ang naÂapekÂÂtuhan sa 10,276 barangay sa may 44 na probinsya, 571 munisipalidad at 57 siyudad sa Regions IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, X, XI, at Caraga.
Sa 72,986 pamilya o 349,870 tao ang patuloy pang nanunuluyan sa may 1,530 evacuation centers.
Nasa P10,339,290,061 ang nasira, kabilang ang P1,250,108,600 sa imprastraktura at P9,089,181,461 sa agrikultura. Winasak din ni Yolanda ang 272,087 mga bahay at sinira ang may 271,040 iba pa.
Wala pang suplay ng kuryente sa Western, Central at Eastern Visayas dahil sa pagbagsak ng mga poste ng kurÂyente.
Ilang lokal na pamahalaan sa Capiz at Iloilo at sa bayan ng Barbaza sa Antique ay wala pa ring tubig.
- Latest