Turuan at sisihan, tigilan na -CBCP
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) sa mga kababayang Pinoy na tigilan na ang sisihan at turuan hinggil sa mabagal na tulong sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda na mas nagpapatindi sa kalituhan at galit ng mga mamamayan.
Sinabi ni CBCP incoming president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, sa panahong ito ng kalamidad ay walang pinakamainam na gawin kundi ang magtulungan sa halip na magsisihan.
Ayon sa Arsobispo, hindi kaya ng pamahalaan at ng mga NGOs na gawing mag-isa ang relief at rehabilitation efforts dahil sa napakalaking pinsala ng bagyo, kaya’t dapat aniyang lahat ay magkaloob ng tulong.
Iminungkahi pa ni Villegas na bawat church groups at religious organizations ay mag-adopt ng isang parokya mula sa Diocese of Borongan, Samar, na may 32 parokya at Archdiocese of Palo, Leyte, na may 64 parishes.
Sa ganitong paraan aniya ay mas direktang matutulungan ang bawat biktima ng bagyong ‘Yolanda’.
- Latest