^

Police Metro

Tumanggi na dayain ang barangay elections... Guro dedo sa resbak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Niresbakan ang isang guro na tumangging magpagamit sa pandaraya sa barangay elections noong Oktubre 28 nang ito ay pagbabarilin kamakalawa sa Brgy. Danlugan, Buug, Zamboanga Sibugay.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at namatay noon din ay nakilalang si Gina Yosores, 45, guro sa Danlugan Elementary School at residente ng Purok 27, Brgy. Poblacion, Buug.

Ang suspek na kinilala ng mga testigo na nakakita sa ginawang pagbaril sa biktima ay si Freddie Puerto, 19.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng tanghali nang lapitan ng suspek ang biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Sa salaysay ng mister ng biktima sa pulisya na ipinagtapat sa kaniya ng kaniyang misis na may tatlong  lalaki umano mula sa kampo ng isang talunang kandidato ang lumapit sa kaniya at nag-alok ng pera para imanipula ang resulta ng barangay elections sa kanilang lugar.

Subalit, tumanggi ang kanyang misis at nagbanta ang mga suspek na may mangyayaring masama kapag natalo ang kanilang minamanok na kandidato.

Kaya’t sinabi ng pu­lisya na pulitika ang motibo nang pagpatay sa biktima.

vuukle comment

BRGY

BUUG

DANLUGAN

DANLUGAN ELEMENTARY SCHOOL

FREDDIE PUERTO

GINA YOSORES

KAYA

NIRESBAKAN

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with