^

Police Metro

Heneral na nag-ulat ng 10,000 ang patay sa ‘Yolanda’ sinibak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang police general ang sinibak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima matapos na malaman na sa kanya nagmula ang ulat na umabot sa 10,000 katao ang masawi sa super bagyong Yolanda.

Nabatid na ipina­hanap pa mismo ni Pangulong Benigno Aquino III  si Police Regional Office (PRO) 8 Director Chief Supt. Elmer Soria  nang mabatid na ito ang pinanggalingan ng report na pinagdudahan ng punong ehekutibo dahil sa pagtaya ay aabot lamang sa 2,500 ang posibleng nasawi sa trahedya.

Nabatid  matapos ang kontrobersya ay agad nagpalabas ng   order  si Purisima para sibakin si Soria at inirekomenda naman si Chief Supt Henry Lozanes, Director ng PNP Maritime Group upang humalili rito sa puwesto.

Inaasahan naman ang turnover sa PRO 8 ay isasagawa sa lalong madaling panahon o mahigit isang linggo matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong Marso 8.

Bukod pa ay nabulabog ang buong Tacloban City nang ihayag ni Soria sa isang radio interview na pinasok na ng mga armadong kalalakihan ang lungsod na nagdulot ng pagpapanik sa mga tao  subalit nang magresponde ang pulisya at militar ay walang nakita sa Brgy. Abucay ng lungsod.

Si Soria ay pansa­mantalang ilalagay sa PNP Headquarters sa Camp Crame matapos naman itong tanggalin sa puwesto.

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT HENRY LOZANES

DIRECTOR CHIEF SUPT

ELMER SORIA

MARITIME GROUP

NABATID

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with