US hospital ship tutulong sa typhoon victims
MANILA, Philippines - Minobilisa na kahapon ng US Navy ang hospital ship nitong UNNS Mercy ( T-AH 19) upang tumulong sa mga biktima ng super bagyong Yolanda (Haiyan) sa Visayas Region ng bansa.
Sa isang press statement ni US Admiral Harry Harris Jr., Commander ng U.S. Pacific Fleet ang pagmomobilisa ng nasabing hospital ship upang maglayag na patungong Pilipinas ay bahagi ng kanilang pakikisimpatiya sa trahedya na iniwan ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo.
Nabatid na marami sa mga survivor ang nangaÂngailangan ng medikasyon matapos na masugatan sa paghagupit ng bagyo partikular na sa Leyte at Samar.
Dahil nakahanda na kapag inutos ang agarang deployment ng nasabing US Navy hospital ship ay inaasahang darating ito sa teritoryo ng Pilipinas sa Disyembre upang makasama ang iba pang U.S. Pacific Fleet units nito na tumutulong na sa Operation Damayan sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
- Latest