^

Police Metro

8 ‘looters’ utas sa pagransak ng NFA warehouse

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t nakaligtas sa kamatayan sa hagupit ng super bagyo na si Yolanda ay hindi naman naligtasan ng 8 katao ang pagbagsak sa kanila ng mga saku-sakong bigas na kanilang ninanakaw sa nawasak na bodega ng National Food Authority (NFA) dahil sa stampede noong Lunes sa Ala­ngalang, Leyte.

Sa sketchy report  na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa  pinakamalaking bodega ng NFA sa nasabing bayan na tinatayang nasa 15-20 kilometro ang layo sa Tacloban City nang bigla na lamang nilusob ng mga residenteng naapektuhan sa bagyo ang nasabing bodega ng bigas.

Nagkagulo ang mga tao na hindi mapigilan sa pagbuhos nang sumugod at puwersahan na pinasok ang bodega ng bigas at  nagkani-kaniyang buhat ng mga sako ng bigas.

Sa tindi ng stampede ay gumuho ang bodega ng bigas na ikinasawi ng 8 na patuloy pang inaalam ang mga pagkakakilanlan.

Nabatid na marami ring survivors ang nasugatan sa nasabing agawan ng bigas sa naturang bodega.

Sinabi naman ni NFA Administrator Orlan Calayag, tinatayang nasa 33,000 sako ng bigas ang natangay ng mga ‘looters’ sa kanilang bodega.

Nabatid pa na dahilan sa storm surge o paglaki ng alon na nasa 15 talampakan ang taas ay nasa 16,000 sako ng bigas ang nasira sa bodega ng NFA sa Tacloban City  noong Nobyembre 8.

ADMINISTRATOR ORLAN CALAYAG

BAGAMA

BIGAS

BODEGA

CAMP CRAME

LEYTE

NABATID

NATIONAL FOOD AUTHORITY

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with