^

Police Metro

Army truck na may relief goods inambush: 2 NPA patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga sundalo ang dalawang lider ng New People’s Army (NPA) nang ambusin ng mga ito ang truck ng Army na may dalang relief goods para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Batay sa ulat, dakong alas-5:25 ng umaga nang ambusin ng mga NPA rebels ang convoy ng mga sundalo na may dalang relief goods para sana sa isasagawang humanitarian mission  sa Tacloban City.

Nabatid na ini-eskortan ang mga relief goods na ihahatid sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Leyte at Samar  na isasakay sa barko  sa pier ng Matnog, Sorsogon.

Subalit, nakaalerto ang tropa ng Army’s 31st Infantry Battalion, 96th Military Intelligence Company (MICO) at 22nd Infantry Battalion na  nagsagawa ng security/combat operations sa lugar na dadaanan ng convoy ng relief goods at dito na nasagupa ang may 15 rebelde na nakaposisyon na sa tabi ng highway at tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng dalawang rebelde na kinilala sa mga alyas na Ka  Abel at isang alyas Ka Win; pawang mga opisyal ng NPA sa Sorsogon.

Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang tatlong M16 rifle, isang baby armalite, isang M14 rifle, isang cal. 45 pistol at sari-saring uri ng mga eksplosibo.

BATAY

INFANTRY BATTALION

KA WIN

LEYTE

MILITARY INTELLIGENCE COMPANY

NEW PEOPLE

SORSOGON

TACLOBAN CITY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with