Estudyante na tumalon mula ika-29 floor ng condo hindi taga-UST
MANILA, Philippines - Nilinaw ng pamunuan ng University of Santo Tomas (UST) na hindi estudyante ng kanilang paaralan ang 19-anyos na si Leonard Joseph Torres, residente ng ika-23 palapag ng Kassel Condominium, Taft AveÂnue na nasawi matapos umanong tumalon mula sa ika-29 floor ng nasabing condominium building kamakailan.
Pinabulaanan ni Dean Cheryl R. Peralta ng College of Rehabilitation Science na estudyane ng UST si Torres na umano ay kumukuha ng kursong Physical Therapy.
Ayon pa kay Peralta, na hawak nila ang mga record ng mga estudÂyante na kumukuha ng Physical Therapy at dito ay hindi naka-enroll si Torres at posible anya sa ibang eskwelahan ito naka-enroll.
- Latest