Napoles babantayan ng 100 pulis
MANILA, Philippines - Nasa 100 pulis ang ideÂdeploy ng Philippine National Police (PNP) upang mangalaga sa seguridad ni Janet Lim Napoles, ang mastermind sa P10 bilyong pork barrel scam kaugnay ng pagdalo nito sa imbestigasyon ng Senado bukas.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief P/Sr. Supt Reuben Theodore Sindac, nakalatag na ang lahat ng seguridad para tiyakin ang kaligtasan ni Napoles sa imbestigasyon.
Ang 100 pulis ay mula sa PNP-Special Action Force, Police Regional Office IV A, National Capital Region Police Office at Highway Patrol Group ang idedeploy para tiyakin ang kaligtasan ni Napoles na sinasabing may banta sa kaniyang buhay.
Si Napoles ay kasalukuyang nakaditine sa headquarters ng PNP-SAF sa Fort Sto. Domingo, Sta Rosa, Laguna kaugnay ng kasong illegal detention na isinampa ng whistleblower na si Benjur Luy sa Makati City Regional Trial Court.
Tinataya namang aabot sa P150,000 ang magagasta ng PNP sa security preparations sa pagdadala kay Napoles mula Fort Sto. Domingo, Sta Rosa, Laguna patungo sa Senado.
- Latest