7.5-M Pinoy walang kubeta
MANILA, Philippines - Ibinunyag ng mga proponent ng “One Million Clean Toilet Movement†sa Maynila na umaabot sa 7.5 milyon Pinoy ang walang kubeta at sa labas na lamang ng kanilang mga bahay nagsisidumi.
Napag-alaman din na karamihan sa mga walang malinis na palikuran ay mga mamamayan sa Masbate, Negros Occidental, Maguindanao, Tawi Tawi at iba pang lugar gayundin sa Luzon.
Sa Maynila tulad ng matataong lugar gaya ng Isla Puting Bato, Baseco, Radial 10, sa Tondo, bahagi ng Quiapo, at iba pang naninirahan sa mga gilid ng ilog, mga kalsada at iba pa ay wala rin mga banyo.
Pinangunahan ng United Nations Children Emergency Fund o UNICEF, Philippine Public Health Safety, Lungsod ng Maynila, Pilipinas Shell at ng Unilever ang pagsuporta sa pagkakaroon ng toilet bowl ang mga Pinoy na bahagi ng World Toilet Day sa November 19.
- Latest