^

Police Metro

HK: Visa-free entry sa mga Pinoy aalisin produkto boboykotin...

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa paninindigan ni Pangulong Benigno S. Aquino III na hindi mag-sorry sa mga biktima ng 2010 Manila hostage crisis ay isinusulong ng mga mambabatas sa Hong Kong ang pag-aalis ng libreng visa para sa mga Pinoy na bibisita at pag-boycott din sa mga produkto galing sa Pilipinas.

Ang nasabing panukala na suspindihin ang “visa free-entry” sa mga Pinoy tou­rists sa Hong Kong ay suportado umano ng Beijing-Loyalist parties at Pan-Democrats upang ma-pressure at mapilitan ang Philippine government na humingi ng paumanhin at maibigay ang tamang kompensasyon ng mga biktima  ng madugong hostage-taking.

Isang mosyon ang inihain ng Legislative Council ng Hong Kong na nakatakda umanong aprubahan sa Miyerkules na naglalayong bawiin ang “visa-free access” ng mga Pinoy na nagnanais na bumista sa Hong Kong.

Bukod sa pag-aalis ng pribilehiyong visa-free entry ay isinusulong din ng isang HK lawmaker na ipatigil  ang pagbili ng mga produkto galing sa Pilipinas, ipinatitigil din ang pakiki­pag-negosasyon para ­sa kalakalan at air routes.

Sa huling survey ng isang travel agency, ang Hong Kong at Singapore ang paboritong pasyalan pa rin ng mga Pinoy.

Nabatid na umaabot sa 15.6 porsyento ang itinaas ng bilang ng mga Pinoy na  bumisita sa Hong Kong mula Ene­ro hanggang Hulyo nitong 2012 sa kabila ng naganap na standoff at ngit­ngit ng mga mamamayan ng Hong Kong habang naitala na may 659,829 Pinoy arrivals sa Hong Kong noong 2011.

 

vuukle comment

AQUINO

HONG

HONG KONG

KONG

LEGISLATIVE COUNCIL

PANGULONG BENIGNO S

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with