Crackdown vs illegal OFWs sa Saudi ikinasa
MANILA, Philippines - Ikinasa na ng Saudi government ang malawakang crackdown laban sa mga illegal foreign workers kabilang na ang mga undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs) na nabigong maitama ang kanilang status sa kabila ng huling palugit na ibinigay ng Saudi government.
Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, sumulat na sila sa Saudi government upang hilingin na magbigay ng panibagong amnesty upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mga undocumented OFWs na mai-ayos ang kanilang working status at travel documents para makauwi sa Pilipinas.
Ang Nob. 3 deadline ay ang ikalawang palugit na ibinigay ng Saudi government para sa mga illegal foreign workers upang itama ang kanilang working status at pananatili sa Saudi bunsod sa paghihigpit ng kanilang immigration at labor regulations o Saudization policy.
Sa ilalim ng Saudization policy, prayoridad ng Saudi government na mabigyan ng trabaho ang kanilang mamamayan kaysa sa mga dayuhang manggagawa.
Sinabi ni Hernandez, patuloy ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at Konsulado sa Jeddah sa pagbibigay ng asssistance sa mga OFWs upang maisaayos ang kanilang dokumento at sa tuluy-tuloy na ginagawang repatriation.
Sa kabila ng apela ng pamahalaan, inianunsyo ng Saudi Ministries of Interior at Labor na hindi na sila magbibigay ng panibagong extension o amnesty sa “correction of residency†sa mga foreign workers.
Sa huling tala ng DFA, may mahigit 1,500 pang OFWs ang nag-aantabay na mapauwi sa Pilipinas.
- Latest