^

Police Metro

Pinanonood ang pagsampal ng misis... 3 katao pinatay ng napahiyang mister

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Humabol sa Araw ng Undas ang tatlong katao matapos na sila ay pagbabarilin ng isang mister na napahiya nang sampalin ng kanyang misis sa harap ng mga kainuman nito kahapon ng mada­ling-araw sa Port Area, Maynila.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Peter  Masamlok, 42, construction worker, ng Sta. Cruz, Maynila; Russel Galo, 26, construction worker; at isang ’di kilalang lalaki na inilarawan nasa edad na 20-25, may taas 5’5”. slim, nakasuot ng brown na pantalon at sky blue ang kulay ng t-shirt na may print na “xtreme couture”.

Nakatakas naman ang suspek na kinilalang si Jamil Datumalo, nasa 35-40 anyos, tubong Lanao del Sur at residente ng squatters’ area sa 12th Street, Port Area, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril, sa 12th St., Port Area, Maynila, Barangay 650, Zone 68.

Nabatid na nag-iinuman ang grupo ng mga biktima habang kalapit na nag-iinuman ang grupo ng suspek nang dumating ang misis nito at walang sabi-sabing sinampal sa harap ng mga kainuman.

Napansin ng suspek na nakatingin at pinapanood siya ng grupo ng mga biktima  kung kaya’t umuwi sa bahay at sa pagbabalik ay may dala na itong baril at pinagbabaril ang mga biktima.

Nang bumagsak ang  tatlo ay binaril din nito ang isang Mel Dati, 41, subalit tatlong beses na pumalya ang baril.

Tumakas ang suspek at sumaklolo naman ang isang Rudy Sabal, na nagtatrabaho umano sa kalapit lamang na Star Group of Publications, na siyang tumulong upang maisugod sa Ospital ng Maynila ang mga biktima.

Hindi na umabot ng buhay ang mga biktimang si Masamlok at  hindi pa kilalang lalaki habang alas-11:05 na ng umaga nang bawian ng buhay si Galo.

JAMIL DATUMALO

MASAMLOK

MAYNILA

MEL DATI

PORT AREA

RUDY SABAL

RUSSEL GALO

STAR GROUP OF PUBLICATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with