Halloween costumes, nang-aakit ng ‘Diablo’
MANILA, Philippines - Nakapanghihikayat umano ng espiritu ng demonyo ang mga nakakatakot halloween costumes.
Ito ang binigyan diin ni Fr. Francis Lucas ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) dahil ang pagsusuot ng mga nakatatakot na damit o customes partikular ang maskara ay pagbibigay ng pagkakataon na makapasok si Satanas.
“Yung nagiging practice na nagmamaskara ng nakakatakot, ‘yung may nakasaksak sa leeg, puro evil eh, puro kasamaan, dalawang bagay ‘yan na parang ina-attract mo, sini-seduce mo ‘yung diablo, o kaya nagbubukas ka ng pinto, ‘Welcome to me,’†ani Lucas.
Nagpahayag din ng pagkabahala si Lucas sa umano aktibong partisipasyon ng mga bata sa traditional na “Trick or Treat.†Aniya, masyado pang mga bata ang mga nagsasagawa nito, subalit puro negatibo naman ang pinasasaisip at pinasusuot sa kanila.
- Latest