^

Police Metro

Bumbero, pulis utas sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang bumbero at isang pulis ang kapwa nasawi sa naganap na magkahiwalay na sunog sa Lanao del Norte at Isabela Basilan, kahapon ng madaling araw.

Sa report na nakara­ting sa Camp Crame, nabatid ang unang insidente ng sunog ay nangyari sa tanggapan ng Comission on Election sa Iligan City, Lanao del Norte dakong alas-2:20 ng madaling araw.

Sa nasabing sunog ay nasawi si PO1 Rey Borinaga, miyembro ng Public Safety Company ng PNP  na na-suffocate sa sunog.

Si Borinaga ay kabilang sa ideneploy na pulis na nagbabantay sa opisina ng COMELEC para pa­ngalagaan ang  seguridad sa Brgy. elections nitong Oktubre 28 at bilangan ng mga boto sa nasabing lalawigan.

Naapula naman ang sunog dakong alas-3:00 ng madaling araw matapos na magresponde ang mga bumbero.

Hinihinala na isang supporter ng natalong kandidato ang nasa likod ng panununog sa gusali ng COMELEC sa nasabing lalawigan.

Sa isa pang sunog na nangyari na naganap naman sa Isabela, Basilan  ay namatay ang  fire volunteer na si Rolando Lim na sinasabing na-suffocate sa usok.

Ayon kay Supt. Albert Larobis, Director ng Isabela City Police, si Lim ay nagawa pang isugod sa Infante Hospital pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sinasabing bigla na lamang umanong natumba ang biktima habang inaapula ang sunog sa Kaumpurnah Zone 1 na katabi lamang ng himpilan ng pulisya sa lungsod dakong alas-9:30  ng umaga kahapon.

Nasa 18 kabahayan at 16 establisyemento ang nasunog  sa lugar na naapula naman bandang alas-11:00 ng tanghali.

ALBERT LAROBIS

CAMP CRAME

ILIGAN CITY

INFANTE HOSPITAL

ISABELA BASILAN

ISABELA CITY POLICE

KAUMPURNAH ZONE

LANAO

NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with