^

Police Metro

Nagwaging Tserman, 2 kapatid pinatay ng utol

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi marahil ma­tanggap ng outgoing barangay chairman ang pagkatalo ng kanyang  anak na inilaban niya sa pagka-barangay chairman nang talunin ito ng mismong tiyuhin niya kaya’t sa galit ay nagawa niya itong patayin at dinamay pa ang dalawang kapatid na babae naganap kahapon ng umaga sa isla ng Brgy. Manapao, Pontevedra, Capiz.

Ang nagwaging ba­rangay chairman na pinatay ay nakila­lang si Ramon Arcenas, 54 at ang dalawang kapatid nito na idinamay ay sina Jennifer Arcenas Nuyles, 57; at Eve­lyn Arcenas Espinar, 58, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman ang suspek na si Manuel Arcenas, 62, na katatapos la­mang ng termino bilang barangay chairman.

Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga ay nagkukwentuhan ang tatlong biktima sa bakuran ng isang Wennie Ba­ticula sa  Brgy. Manapao, Pontevedra nang biglang sumulpot ang suspek na may dalang cal.30 carbine rifle at unang pinagbabaril si Ramon at isinunod ang dalawang kapatid dahil sa pagsuporta nito sa kandidatura.

Sa imbestigasyon, ilang oras matapos maiprokla­mang nanalong barangay chairman si Ramon  ay ikinagalit ito ng suspek dahil sa natalo ang anak niyang si Isabel na pinalaban niya.

Bukod dito ay may ali­tan rin umano sina Ramon at si Manuel sa malawak na lupain sa isla ng Brgy. Manapao na pinag-aagawan ng mga ito.

ARCENAS ESPINAR

BRGY

JENNIFER ARCENAS NUYLES

MANAPAO

MANUEL ARCENAS

PONTEVEDRA

RAMON ARCENAS

SHY

WENNIE BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with