Hindi magbibigay ng order na half-rice paparusahan
MANILA, Philippines - Nais ni Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na patawan ng parusa ang mga may-ari ng hotel, restaurant at iba pang klase ng kainan na tatangging magbigay ng kalahating order na kanin sa kanilang mga customer.
Inihain na ni Sen. Marcos ang kanyang Senate Bill No. 1863, o ang “Anti-Rice Wastage Act of 2013†upang mabawasan ang nasasayang na kanin sa bansa.
Sa sandaling maisabatas ang panukala ni Marcos, ang lalabag dito ay papatawan ng multang Php20,000 sa first offense, Php50,000 sa second offense, at Php100,000 sa third offense.
Sa talaan ng Food and Nutrition Research InsÂtitute, lumalabas na ang bawat Pilipino ay nagsasayang ng tatlong kutsaÂrita o 9 na gramo ng kanin araw-araw na aabot sa 3.3 kilo kada taon.
Sa kuwenta ng International Rice Research Institute, kung ang bawat Pilipino ay nagsasayang ng 9 grams ng kanin bawat araw, aabot ng 308,000 tons ang nasasayang ng 94-milyong Pilipino, katumbas na 36 percent na rice import noong 2011.
- Latest