^

Police Metro

‘Last minute reminders’ inilabas ng COMELEC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilabas kahapon ng pamunuan ng Commission on Election ang mga “last minute reminders” para sa mahigit 55 milyon registered voters na inaasahang lalahok sa gaganaping nationwide barangay elections ngayon araw na ito.

Sinabi ni COMELEC spokesperson James Arthur Jimenez, pinapayuhan ang mga kababayan na magdala ng ‘valid ID’ sakaling hanapan sila ng mga elections officers.

Pinaalalahanan din nito ang mga botante na kaila­ngang malinaw ang pagkakasulat ng pangalan ng mga napiling kandidato sa balota para mabasa at mabilang ang kanilang boto.

Mayroon na aniyang nakalaang marking pen sa mga polling precincts kung kaya’t hindi na rin kailangang magdala ng lapis o ballpen.

Giit pa ni Jimenez, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng pictures sa mga “filled-up ballots” at ang pagsusuot ng mga “campaign t-shirts” sa loob ng polling areas.

Ayon pa kay Jimenez, tapos na ang campaign period ng mga kandidato kung kaya’t maa­ring maharap sa disqualification case ang sino mang mapapatunayang na­ngangampanya ngayong araw ng halalan.

vuukle comment

AYON

GIIT

INILABAS

JAMES ARTHUR JIMENEZ

JIMENEZ

MAYROON

PINAALALAHANAN

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with