^

Police Metro

2 paslit utas sa sunog sa Makati

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang dalawang ba­tang magkapatid sa sunog na sumiklab sa Makati City, kahapon ng mada­ling araw.

Nakita ang sunog na bangkay ng magkapatid na sina Rose Ann Ariola, 6-anyos; at Robert, 4-an­yos, sa bahagi ng bumagsak na ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Macda Compound, Brgy. Cembo.

Halos hindi naman makausap dahil sa tindi ng pagdadalamhati ang ama ng mga biktima na si Emmanuel Ariola.

Sa paputol-putol na pag­sasalita ni Emmanuel, sinabi niya na sandali lang  siyang umalis ng bahay upang tignan ang puwesto nila sa palengke pero pagbalik niya ay nasusunog na ang kanilang tahanan.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-12:05 ng mada­ling araw nang sumiklab ang apoy na sinasabing nagmula sa bahay ng isang Aida Ambong sa Macda Compound, Brgy. Cembo matapos na may mag-away sa loob ng nasabing compound.

Dakong ala-1:42 ng madaling araw nang magdeklara ang Makati Fire Department ng “fire under control” at dakong alas-3:10 na ng madaling araw nang ganap na maapula ang sunog na umabot sa general alarm.

Tinatayang nasa 500 kabahayan at establisimi­yento ang natupok kung saan nasa 2,000 katao ang apektado.  Karamihan sa mga ito ay tumuloy sa mga paaralan bilang evacuation area habang ang ilan naman ay natulog sa kahabaan ng J.P. Rizal Extension upang bantayan ang kanilang mga naisalbang gamit.

vuukle comment

AIDA AMBONG

BRGY

CEMBO

EMMANUEL ARIOLA

MACDA COMPOUND

MAKATI CITY

MAKATI FIRE DEPARTMENT

RIZAL EXTENSION

ROSE ANN ARIOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with