^

Police Metro

6 kandidato sa barangay election dinukot ng NPA

Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Habang papalapit ang barangay election ay patuloy na tumataas ang election related violence sa ilang mga lalawigan, makaraang anim na kandidato ang dinukot ng 30 armadong mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Sabud, Loreto,  Agusan del Sur nitong Huwebes.

Sinabi ni Captain Alberto Caber, Spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command (AFP-Eas­tern Mindanao ), alas-9 ng umaga ng sumalakay ang mga rebelde sa nasabing lugar at isagawa ang pagdukot sa mga biktimang sina. Lito Andalaque, Balaba Andalaque, Reynaldo Piodos, Marvin Bantuasan, Gina Bantuasan at Pepe Subla; pawang miyembro ng Tribong Lumad na aktibong kandidato sa posisyon sa barangay sa kanilang lugar.

Ayon kay Caber, hinarass ng mga rebelde ang isang  detachment ng militar sa lugar at  sumunod namang sinalakay ang Brgy. Sabud kung  saan tinutukan ng baril at saka binihag ang mga biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, maaaring nais umano ng mga rebelde na impluwensyahan ang gaganaping Brgy. polls sa lugar sa darating na Lunes kaya binihag ang mga biktima na kalaban umano ng mga kandidatong sinusuportahan ng naturang grupo.

Sugatan naman sa pag­habol sa mga rebelde ang isang sundalo na kinila­lang si Pfc Jose Gil Cabillo, miyembro ng Army’s 26th Infantry Battalion (IB).

Kaugnay nito, bumuo na ng Crisis Management Committee (CMC) ang pamahalaang lokal ng bayan ng Loreto para sa ligtas na pagpapalaya sa mga biktima. Kasabay nito, nanawagan si Pangulong Benigno Aquino III sa taumbayan na makiisa para sa tahimik at mapayapang pagsasagawa ng barangay elections. Isinailalim na sa red alert ng pulisya ang buong bansa simula kahapon at hinihikayat ang publiko na pumili ng karapat-dapat na barangay leader sa kanilang komunidad. Inaasahan din aniya ng pangulo na hindi na tataas pa ang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa eleksiyon.

BALABA ANDALAQUE

BRGY

CAPTAIN ALBERTO CABER

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

EASTERN MINDANAO COMMAND

GINA BANTUASAN

INFANTRY BATTALION

LITO ANDALAQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with