^

Police Metro

Tsinoy tiklo sa 15 kilong shabu

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Filipino-Chinese ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nasamsam ang may 15 kilo ng shabu sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Ang suspek na naaresto ay nakilalang si Antonio Uy, ng Elcano St. Binondo, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang makipag-ugnayan ang grupo ng PDEA sa pangunguna ni Carlos Soriano kay MPD-station 5 chief, P/Supt. Orlando Mirando para sa isasagawang buy bust operation.
sa bahagi ng Magsaysay Tower, Roxas Blvd.

Subalit, nakaamoy ang suspek habang lulan ng kulay silver na Toyota Camry (ZBG-553) at  humarurot papatakas. Hinabol ang suspek ng mga operatiba ng PDEA na lulan ng dalawang kotse at
motorsiklo sa Roxas Boulevard, hanggang sa paputukan ang hulihang bahagi ng sasakyan hanggang sa makorner ito sa panulukan ng San Andres at M. H.  Del Pilar St., Ermita na kung saan ay nakuha ang 15 kilong shabu na nagkakahalaga ng P78 milyon sa itim
na travelling bag na dala nito.

ANTONIO UY

CARLOS SORIANO

DEL PILAR ST.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ELCANO ST. BINONDO

ERMITA

ISANG FILIPINO-CHINESE

MAGSAYSAY TOWER

MAYNILA

ORLANDO MIRANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with