Kapitana, mister na kandidato inutas
MANILA, Philippines -Patay ang isang incumbent baÂrangay chairwoÂman, at mister nito na tumatakbong kagawad matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Tabud, Bataraza, Palawan.
Nakilala ang mag-asawang biktima na sina Rogelio, 56-anyos at Zosima Consomino na kapitanan sa kanilang lugar.
Batay sa ulat, ni Baltaraza Chief of Police P/Sr. Supt. Raymond Domingo, bandang alas- 12:05 ng madaling araw habang pauwi na ang mag-asawa na galing sa pakikipanood ng telebisÂyon sa kanilang kapitbahay nang harangin ng mga armadong salarin.
Sunud-sunod na puÂtok ang umalingawngaw na siyang tumapos sa buhay ng mag-asawa.
Matapos pagbabarilin ang mag-asawa ay mabilis namang nagsitakas ang mga armadong salarin na sinamantala ang kadiliman ng gabi.
Nabatid na bago ang pamamaslang ay nakatanggap umano ng pagbabanta sa kanilang buhay ang mag-asawa na sinasabing maraÂming mga supporters sa kanilang lugar.
Pinaniniwalaan naman ang insidente ay may kinalaman sa pulitika kaugnay ng mainit na labanan ng mga kandidato sa lalawigan.
- Latest