^

Police Metro

Pasig-pulis arestado rin… Mayor, 5 pa dakip sa gun ban

Joy Cantos at Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines -Inaresto ng mga otoridad ang anim na katao na kinabibilangan ng isang mayor matapos na mahulihan ng mga baril sa Come­lec/PNP  checkpoint sa magkakahiwalay na ope­rasyon sa lalawigan ng Abra at Benguet.

Kinilala ang mga na­arestong suspek na sina incumbent Baay-Licuan, Abra Mayor Alejo Siddayao Domingo, 63; Noel Culangen Bay-ed, 32; ng Boliney, Abra at Eddie Boy Balweg Paredes, 30 ng Baay-Licuan, Abra.

Nakumpiska mula kay Paredes ang isang cal .45 pistol na may isang magazine at anim na bala at isang Norinco cal 45 pistol na may magazine naman na may 4 rounds ng bala mula kay Bay-ed.

Inamin naman ni Ma­yor Domingo na pag-aari niya ang nasabing mga armas na walang dokumento na may exemption sa gun ban mula sa Comelec.

Sa checkpoint naman sa Brgy. Beckel, La Trinidad, Benguet dakong alas-11:00 ng gabi ay naaresto sina Sunny Daguio, 22, ng Itogon, Benguet; Jomar Pagang, 30, ng Quirino Hill  at Rey Cajigan Pinasig, 20 ng Irisan; pawang ng Baguio City.

Nasamsam sa kanila ang cal 38 revolver  na may 5 rounds ng bala, 12 piraso ng sari-saring mga bala, spare parts  ng mga armas, 3 tangke ng Solane  at iba’t-iba pang uri ng mga paraphernalia.

Samantala, dinakip ng mga pulis si PO1 Mark Sagun, 27, ng B-37 Welfareville Compound, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City nakatalaga sa Pasig Police Mobile Patrol Unit matapos na magwala at magpaputok ng baril sa kabila nang ipinapatupad na gun ban nang makatalo nito ang nobya dahil sa selos kamakalawa ng gabi sa Barangay San Miguel, Pasig City.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi sa M.H. Del Pilar, Barangay Miguel ay lasing na dumating sa lugar ang suspek upang sunduin ang nobyang si Reynalin Cabrera.

Subalit, inabutan nito ang nobya na may katabing lalaki na na­ging sanhi upang magkaroon sila ng pagtatalo hanggang sa magwala at binunot ang kalibre .9mm pistola at nagpaputok.

Humingi ng tulong sa mga otoridad ang mga residente na nagresulta sa pagkaka-aresto sa suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code o gun ban, indiscriminate firing, 4 counts ng grave threats, illegal possession of firearms at alarm and scandal.

ABRA

ABRA MAYOR ALEJO SIDDAYAO DOMINGO

BAAY-LICUAN

BAGUIO CITY

BARANGAY ADDITION HILLS

BARANGAY MIGUEL

BARANGAY SAN MIGUEL

BENGUET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with