861 kawal idi-deploy sa Metro Manila 10 barangay nasa hotspot…
MANILA, Philippines -Upang matiyak na magiging matiwasay at mapayapa ang gaganaÂping barangay elections sa darating na Oktubre 28 ay idi-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 861 kawal sa Metro Manila upang tumulong sa pulisya sa paÂngangalaga ng seguridad.
Sa Metro Manila ay nasa 10 barangay ang iniligay sa “election hotspot list†ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) dahil sa init ng tunggalian ng mga lokal na politiko na tumatakbo ngayon.
Kabilang sa mga barangay na nakasama sa talaan ang: Barangay 503 sa Maynila; Barangay 587 sa Caloocan City; Barangay Wawang Pulo sa Valenzuela City; Barangay Maharlika sa Taguig City; Barangay Pineda sa Pasig City; Barangay Pio del Pilar sa Makati City; Barangay Sto. Domingo sa Quezon City; Barangay Catmon sa Malabon City; Barangay Navotas West; at Barangay North Bay Boulevard South sa Navotas City
Napabilang ang mga ito sa election watchlist o hotspots dahil sa mga beripikadong ulat na maÂtindi ang tunggalian ng mga kandidato at pinagbatayan din ang mga dati nang nangyaring karahasan sa halalan sa mga nasabing lugar.
Kabilang sa palalakasin ng mga idi-deploy na sundalo ay ang maigting na pagbabantay sa checkpoints, visibility patrol, pagtulong sa itatag na Joint Security Assistance Desk, pangangalaga sa seguridad ng 743 voting centers at maging sa mga pangunahing instalasyon ng gobyerno.
- Latest