Bohol dumaranas ng krisis sa tubig
MANILA, Philippines - Matinding krisis hindi lamang sa pagkain kundi maging sa tubig ang dinaranas ngayon ng lalawigan ng Bohol nang tamaan ng 7.2 magnitude lindol sa Central Visayas noong Martes.
Nabatid na putik at manilaw-nilaw na tubig ang inilalabas ng mga poso at gripo sa lalawigan na delikadong inumin na panibagong kalbaryo ng mga residente sa lalawigan.
Kinakapos na rin ng mga pagkain ang mga residente dahilan sa kakulangan ng relief goods partikular na sa mga ‘isolated’ na lugar sa lalawigan.
Inihayag kahapon ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, nagdeploy na ang AFP ng water sanitation team at may dala rin na mga relief goods ang Philippine Army at Philippine Navy para sa mga taga-Bohol at sa Cebu.
- Latest