^

Police Metro

Tamad na judge pinarusahan, pinagmulta ng SC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa katamaran ay pinarusahan at pinagmulta ng Korte Suprema ang isang hukom  sa San Fernando La Union.

Batay sa desisyon ni Senior Associate Justice Antonio Carpio ng SC Second Division, napatunayan  na si Judge Santiago E. Soriano ay nagkasala  ng gross inefficiency and gross ignorance of the law sa pagdedesisyon sa ilang kaso sa panahon ng kanyang compulsory retirement  noong  2006.

Pinagmulta rin si Judge Santiago E. Soriano ng hala­gang P40,000 na ibabawas  sa  kanyang  retirement benefits. 
Ang parusa sa hukom ay bunga ng ginawang judicial  audit and inventory  ng Office of the Court Administrator (OCA) sa mga nakabinbing kaso sa MTCC, Branch 2,  San Fernando City, La Union at sa MTC, Naguilian, La Union.

Natuklasan ng audit team  ng OCA na  may 59 kaso na submitted for decision sa   MTCC, Branch 2, San Fernando City, La Union, habang may  57 kaso na lampas na sa itinatakdang panahon na madesisyunan o reglementary period.

Umaabot naman sa 41 kaso  sa  MTC, Naguilian, La Union na submitted na for decision, 39 na usapin naman ang lampas na sa petsa para hatulan.

Binigyan naman ng pagkakataon ng OCA  si Judge Soriano na lutasin  ang mga natitirang kaso at mga mosyon ngunit  nabigo pa rin  ito na maresolba ang  36 na kaso  sa MTC at MTCC, na dapat ay madesisyunan niya bago sana siya nagretiro noong   Hulyo 25, 2006 na isang indikasyon na nagpabaya ito sa kanyang  tungkulin.

JUDGE SANTIAGO E

JUDGE SORIANO

KASO

KORTE SUPREMA

LA UNION

NAGUILIAN

OFFICE OF THE COURT ADMINISTRATOR

SAN FERNANDO CITY

SAN FERNANDO LA UNION

SECOND DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with