Kapag tumama ang 7.2 magnitude lindol sa MM libo ang mamamatay
MANILA, Philippines - Kung sakali na tumama ang 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila ay tiyak na libong katao ang mamamatay.
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum at aabot sa 37,054 katao ang mamamatay at nasa P2.4 trilyon halaga ng mga gusali ang mangaÂnganib na mapinsala sakaling gumalaw ang West Valley Fault sa paglunsad at ibigay ang multi-hazard and risk maps for the Greater Metro Manila Area (GMMA) kaugnay ng pag-aanalisa sa maÂtinding panganib na maaring idulot ng mga kalamidad tulad ng lindol.
Ang nasabing proyekto na pinondohan ng 5.55 M Australian dollar ay inilunsad ng Australia bilang tulong sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas na kinabibilangan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Phivolcs, PAGASA, MMDA, Mines and Geosciences Bureau at iba pa katuwang ang mga Local Government Units (LGUs) sa Crowne Plaza Manila Galleria Hotel sa Ortigas Center.
Ang West Valley Fault ay may 90 kilometrong haba na ang sentro ay sa Marikina City at posibleng makaapekto sa mga lugar sa silangang bahagi ng lungsod gayundin sa Pasig City, Muntinlupa City at maging sa silangang bahagi ng Quezon City at kabilang naman sa mga lalawigang karatig ng Metro Manila na posibleng tamaan ay ang Rizal at Cavite.
“The Philippines is prone to disaster earthquake hazards that could affect Metro Manila and surrounding provinces. Two ground shaking scenarios were modeled for magnitude 6.5 and 7.2 such earthquake can caused major damageâ€, ani Solidum.
Tinataya namang nasa 1,100 ektarya ng floor area ang maaring mapinsala sa pagguho ng mga matataas na gusali sa Metro Manila.
Sinabi pa ni Solidum na ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang ikinokonsiderang nasa “Pacific Ring of Fireâ€kaya nananatili ang banta ng lindol sa mga lalawigan at lungsod sa buong bansa maliban na lamang sa probinsiya ng Palawan.
Partikular na sa mga nasasaklaw ng “West Valley Fault†o yaong mga lugar na mas matindi ang peligro na salantain ng mapanganib at mapaminsalang lindol.
Sa tala mahigit 300,000 katao ang naapektuhan ng limang mapanganib at malakas na lindol na tumama sa Pilipinas sa loob ng sampung taon. Kabilang dito ang lindol sa Negros Oriental noong 2012 na kumitil ng buhay ng 50 katao habang nasa P383 M naman ang napinsalang mga istraktura.
Ayon kay Solidum, ang Metro Manila ay minsan ng niyanig ng malakas na lindol noong 1600 na ikinapinsala ng century old na Manila Cathedral na muling itinayo kung saan ang mapaminsalang lindol ay posibleng maulit sa pagitan ng 400 hanggang 600 taon depende sa galaw ng West Valley Fault.
- Latest