^

Police Metro

2 karnaper utas sa QC shootout

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng pulisya ang dalawang lalaki na umano ay mga karnaper sa isang shootout kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Inilarawan ang dalawang napatay na ang isa ay nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants, may itim na bonnet, nasa taas na 5’7”, at nasa pagitan ng edad na 35-40, may mga tattoo na “Sputnik”, chinese cha­racter sa kaliwang braso, at “Sinac” sa kanang braso.

Ang isa naman ay nakasuot ng itim na long sleeves, itim na helmet, nakamaong na pants, katamtaman ang pangangatawan, may mga tattoo na “Eston” sa likod at kaliwang braso at “Dino Lopez” sa kanang braso.

Sa ulat, bago naganap ang shootout sa kahabaan ng Doña Ricarte St., kanto ng Capt. Berduceco Drive, Brgy. Nagkaisang Nayon Novaliches, ganap na alas-4:00 ng madaling araw ay nagreklamo ang isang school teacher na si Norman Sabado, 45, San Nicasio St., Brgy. Gulod, Novaliches na tinangkang tangayin ang kanyang motorsiklo (NM-2392) dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Susana St., kanto ng Quirino Highway, Brgy. Gulod Novaliches ng mga suspek.

Kaya’t  rumesponde ang tropa ng Police Station 4 at tinangka nilang pahintuin, subalit sa halip na tumugon ay pinaputukan umano ang mga una ng mga suspek dahilan para mauwi ito sa engkwentro.

vuukle comment

BRGY

DINO LOPEZ

GULOD NOVALICHES

NAGKAISANG NAYON NOVALICHES

NORMAN SABADO

POLICE STATION

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

RICARTE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with