^

Police Metro

Bata pisak, 20 sugatan sa relief operation ni P-Noy

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 4-anyos na batang babae habang nasa 20 katao ang nasugatan matapos na mauwi sa stampede ang 4P’s relief  assistance ni Pangulong Benigno Aquino III na ipinamamahagi ng mga lokal na opisyal sa mga biktima ng lindol kahapon sa  Pinamungahan, Cebu.

Kinilala lamang ang bata sa pangalan nitong Shaiza Mia na nadaganan sa stampede matapos isama ng mga magulang nito sa mahabang pila sa 4Ps.

Batay sa ulat, ilang oras matapos ang 7.2 magnitude ng lindol na naitala dakong alas-8:12 ng umaga ay agad namahagi ng Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4Ps) sa mga apektadong lugar sa Cebu.

Ang 4Ps na programa ni Pangulong Benigno Aquino III ay pinanga­ngasiwaan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang mga nasu­gatang biktima para malapatan ng lunas.

BATAY

CEBU

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ISINUGOD

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANTAWID PAMIL

PILIPINO PROGRAM

SECRETARY DINKY SOLIMAN

SHAIZA MIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with