^

Police Metro

Nahuli sa akto ng mister… Misis at lover nagpaparaos sa banyo ng ospital

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sa loob ng isang banyo ng pribadong kuwarto ng ospital nahuli ng isang mister ang kanyang misis at lover nito na nagtatalik habang naka-confine ang 3-anyos nilang anak na lalaki kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ipinaaresto ni Gary Abarquez, 34, isang hotel valet parking attendant, ng no. 2177 Bagong Lipunan St., Baclaran, Parañaque City ang misis nitong si Janen Abarquez, 27-anyos, call center agent, ng no. 4 Sta. Theresa Street, Maricaban, Pasay; at lover nitong si John Regala, 24-anyos, house keeper, ng Block 2, Lot 37, Sta. Rita Street, Maricaban.
Sa salaysay ni Gary sa pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw ay nagtungo siya kasama ang katrabaho na si Arnulfo Genavia sa Manila Adventist Medical Hospital upang dalawin ang 3-anyos na anak na lalaki na naka-confine doon.

Matapos na magpakilalang ama ng pasyente ay pinayagan silang dalawa na makapasok ng pagamutan kahit na lagpas sa  “visiting hours”. 

Inabutan ng dalawa na nakakandado ang pinto ng kuwarto ng anak kaya nakiusap sa naka-duty na nurse na buksan ito.

Pagpasok sa kuwarto ay wala ang kanyang misis habang natutulog ang anak, ngunit napansin ang damit ng kanyang misis at damit ng lalaki sa sahig. 

Nakarinig rin ito ng halinghing sa loob ng banyo kaya nang buksan ay tumambad ang nakahubad na misis at si Regala sa aktong nagtatalik.

Sa sobrang galit ay pinagsusuntok ni Gary si Regala saka pinaaresto sa mga security guard ng pagamutan. 

Sinampahan ng kasong “adultery” ang dalawa sa Pasay Prosecutor’s Office ngunit nagpasa naman agad si Gary ng “motion for desistance” upang iatras ang kaso nang magkasundo sila ng asawa na hindi na makikipagkita ito kay Regala at magsasama silang muli upang buuin ang kanilang pamilya.

Ipinagtapat naman ni Janen na dalawang taon na silang hiwalay ni Gary habang isang taon na ang relasyon nila ng nobyong si Regala na umano ay halos tumatayong ama sa kanyang mga anak at nagbibigay ng sustento.

vuukle comment

ARNULFO GENAVIA

BAGONG LIPUNAN ST.

GARY ABARQUEZ

JANEN ABARQUEZ

JOHN REGALA

MANILA ADVENTIST MEDICAL HOSPITAL

MARICABAN

PASAY CITY

REGALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with