Nagtanggol sa dalaga, dinedo
MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 22-anyos na binata nang barilin ng isang laÂsing na lalaki matapos na ipagtanggol ang ginagaÂwang pambabastos sa kaÂniyang kaibigang babae kamakalawa ng gabi sa Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.
Ang nasawi ay nakilaÂlang si Ochoner Balunsat, ng Brgy. Canlubang ng lungsod na ito matapos masapol ng mga tama ng bala sa katawan.
Ang suspek na tumaÂkas ay tinukoy sa pangaÂlang Jake, ng Sitio Paltok, Brgy. Canlubang ng lungÂÂsod.
Batay sa ulat, dakong alas-11:15 ng gabi ay biÂnaÂbastos umano ng suspek ang kaibigan ng biktima na si Ira Christine Cayube, 22 at dito ay sumaklolo ang biktima at sinaway ang huli.
Hindi nagustuhan ng suspek ang pakikialam ng biktima kung kaya’t kinuha ang nakatagong baril at walang sabi-sabing ipinutok ito sa biktima.
- Latest