^

Police Metro

Selosong mister nagwala… Sariling ari pinutol

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang sobrang pagkaselos ng isang mister sa kanyang misis na pinaghihinalaan nito na may ibang lalaki ang naging dahilan upang putulin nito ang kanyang ari na naganap kamakalawa sa Brgy. Tabok, Man­daue City, Cebu.

Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon sa ospital ay nakilalang si Fe­derico Ilustrico, 46-an­yos, residente sa nasabing lugar. 

Sa ulat ni Brgy. Tabok Chairman Jun Suico, na ang insidente ay naganap sa pagitan ng alas-11:00 hanggang alas-12:00 ng tanghali sa likod ng bahay ng biktima na may 100 metro ang layo sa barangay,

Nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at misis nito na si Narcisa, 40-anyos dahil sa hinihinala ng una na may iba itong lalaki.

Upang matigil ang pag­tatalo ay nagkulong sa silid si Narcisa habang ang tumakbo naman sa likod ng kanilang bahay ang biktima.

Dito ay inilabas ang kutsilyo at hiniwa ang ari, subalit dahil sa mapurol ay kinuha naman ang nakatagong blade at naputol nito ang ari na kung saan ang naputol na bahagi ng ari ay itinapon.

Nagkataon naman na may nakakitang mga barangay tanod sa biktima kung kaya’t isinugod ito sa ospital na kung saan ay maraming dugo ang nawala.

Hindi na matagpuan sa lugar ang pinutol na ari na hinihinalang nilapa na ng mga asong gala at maaari rin umanong itinapon sa ilog ng biktima.

Ang biktima ay dating pasyente sa psychiatric ward ng Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City kaya’t maaaring nawalan ito sa katinuan kaya’t nagawang putulin ang ari.

vuukle comment

ARI

BIKTIMA

BRGY

CEBU

CEBU CITY

DITO

NARCISA

TABOK CHAIRMAN JUN SUICO

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with