^

Police Metro

Lumpia vendor inutas ng tandem

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lumpia vendor ang nasawi nang ito ay barilin sa ulo ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang postal ID sa katawan nito na si Raniel Badrina, 31, ng  Block 209, Excess Lot 5, Barangay Paliparan III, Dasmariñas City, Cavite.

Wala pang impormasyon ang pulisya sa suspek na mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Sa salaysay ng isang Arjay Abad, 24, binata, dakong  alas-7:10 ng gabi nang makarinig siya ng putok ng baril at ang pagharurot ng motorsiklo sa kanto ng Dimasalang at Protacio Sts., Zone 14, Barangay 114.

Lumabas si Abad upang alamin at nakita niya ang isang lalaki na papatakas na sakay ng motorsiklo at ang biktima na duguang nakahandusay  sa kalsada kaya’t ipinagbigay niya ang insidente sa barangay na siya namang  nag-report sa pulisya.

Sa kabila na intact ang cell phone ng biktima at ang wallet nito na naglalaman ng P450.00 ay hindi pa rin sinasantabi ang anggulong pagnanakaw dahil posibleng  nanlaban ang biktima kaya’t binaril ito.

 

vuukle comment

ABAD

ARJAY ABAD

BARANGAY PALIPARAN

CAVITE

DASMARI

EXCESS LOT

PASAY CITY

PROTACIO STS

RANIEL BADRINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with