Death toll sa ITCZ: 21 na
MANILA, Philippines -Nasa 21 katao na ang nasasawi na karamihan ay nalunod bunsod ng malawakang flashflood sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan na dulot ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa Region VI,VII, IX at Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ito ang iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario na kabilang sa talaan ng mga nasawi ay dalawang nalunod sa Antique; 8 sa Negros Oriental, anim sa Region 9 o Zamboanga City na sinalanta ng grabeng pagbaha o kabuuang 16 kataong death toll.
Sa Zamboanga City, pinakabagong nadagdag sa talaan ng mga namatay ay sina Christine Dongallo Bacan, 38 ng Brgy. Putik at Mariluna Andawa, 8, mula naman sa Zone 8 Ayala.
Sa Lamitan City, Basilan ay nakapagtala naman ng karagdagang apat kataong nasawi sa pagkalunod na kinilalang sina Helen Ignacio, Tessie Samson, Flordeliz Sebastian at Judyane Sebastian at ang pang-21 biktima ay nakilala namang si Cesar Martin ng Brgy. Sedem, Datu Blah, Sultan Kudarat na nalunod habang nawawala naman si Kinimi Omar ng naturan ring barangay.
- Latest