^

Police Metro

Misis at lover nahuli sa akto… Mister napindeho na, tinodas pa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang malalim na saksak sa dibdib ang naging dahilan ng kamatayan ng isang 46-anyos na mister matapos na siya ay saksakin ng kalaguyo ng kanyang misis nang mahuli niya ang mga ito na katatapos lang magtalik sa kanilang kuwarto kamakalawa ng gabi sa Brgy. East Pob­la­cion, Zamboanga Del Norte.

Ang biktima na na­ma­­tay noon din dahil sa tinamong malalalim na saksak mula sa 10.5 inches ng hunting knife sa dibdib ay nakilalang si Virgilio Nitre, pedicab driver.

Naaresto agad ang sus­pek na si Tolentino Sugabo, 42, hiwalay sa asawa at residente ng Brgy. Buenavista, Mutia, Zamboanga Del Norte.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa silid ng mag-asawa sa nasabing lugar ay sanda­ling umuwi ang biktima upang dalhan ng pagkain ang dalawa nitong anak na sina Mark Lester, 17-anyos at Juanever, 16.

Laking gulat nito pagpasok niya sa kuwarto ni­lang mag-asawa ay naaktuhan nito ang suspek na nagsisiper ng pantalon habang ang misis nitong si Diana Dinopol, 47, ay hubo’t hubad na nakahiga sa kama.

Dahilan para sumiklab ang galit ng biktima at sinugod ng suntok ang kalaguyo ng asawa.

Subalit, gumanti ang suspek na may dala palang hunting knife at inundayan nang sunud-sunod na saksak ang biktima  na napuruhan sa kaniyang dibdib at  duguang bumulagta sa sahig.

Mabilis namang tumakas ang suspek, pero naaresto rin ng mga otoridad sa isinagawang follow-­up operation sa Brgy. Don Jose Aguirre ng nasabing bayan.

vuukle comment

BRGY

DIANA DINOPOL

DON JOSE AGUIRRE

EAST POB

MARK LESTER

SHY

TOLENTINO SUGABO

VIRGILIO NITRE

ZAMBOANGA DEL NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with