^

Police Metro

1 todas, 7 sugatan sa acetylene tank blast

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang acetylene tank ang sumabog na ikinasa­wi ng isang katao at pagkasugat ng pitong iba pa naganap kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi sa alyas na Jonjon, 33; ha­bang ang mga sugatan ay ang mag-asawang Leonilo at Bing Pasanillo; Ariel Pastrana; Joel Pastrana; at mga alyas na “Fe”; “Leo,” at isang “Ted” na tinamaan ng debris ng nasabing tangke.

Batay sa ulat, ganap na alas-11:00 ng umaga sa puwesto ng metal fabrication shop na pag-aari ng isang Reynaldo Bermas na matatagpuan sa panulukan ng Sta. Catalina at Sta. Monica Streets, Barangay Holy Spirit naganap ang pagsabog.

Sa lakas ng pagsabog ay nagiba ang kabuuan ng shop, nabakbak ang bubungan at nagkabasag basag ang mga salaming bintana ng mga kalapit na bahay nito.

Paiimbestigahan kung mayroong business permit na inisyu ang city hall para malaman kung may karapatan magtayo ng ganitong negosyo sa residential area.

vuukle comment

ARIEL PASTRANA

BARANGAY HOLY SPIRIT

BATAY

BING PASANILLO

ISANG

JOEL PASTRANA

MONICA STREETS

QUEZON CITY

REYNALDO BERMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with