^

Police Metro

Ina inatado ng anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang nanay ang wa­lang awang pinagtataga ng sariling anak matapos ang kanilang mainitang pagtatalo kamakalawa sa Brgy. Danan,Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.

Ang biktima na nasa kritikal na kalagayan sa Pro­­vincial Hospital sa Mar­go­­satubig ng lalawi­gan ito ay nakilalang si Francisca Dihelo, tinata­yang mahigit 50-anyos na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan partikular na sa bahagi ng kaniyang ulo.

Nadakip ng mga otori­dad sa isang follow-up ope­rations ang anak nitong si Junrey Dihelo, 24, magsa­saka at residente rin ng na­­­sabing lugar.

Sa ulat, bago naganap ang insidente sa loob ng tahanan ng biktima sa Purok Lumboy, Brgy. Danan ng nabanggit na bayan dakong ala-1:00 ng hapon ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo mag-ina sa hindi pa malamang kadahilanan.

Napikon ang suspek at pumunta ito sa kusina at kinuha ang nakasabit na itak at  pinagtataga ang nasorpresang ina.

Nang humandusay ang ina ay mabilis na tumakas ang suspek, subalit nasakote rin ito ng mga opisyal ng barangay bandang alas -11:30 ng gabi at agad na  itinurn-over sa himpilan ng Vincenzo Sagun Municipal Police Station (MPS) na pinagharap ng kasong kriminal.

BRGY

DANAN

FRANCISCA DIHELO

ISANG

JUNREY DIHELO

PUROK LUMBOY

SHY

VINCENZO SAGUN

VINCENZO SAGUN MUNICIPAL POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with