^

Police Metro

Biyahe sa Indonesia at Brunei P14.3-M baon ng pangulo

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kabuuang P14.3 Milyon ang baon ng delegado ni Pangulong Benigno Aquino lll sa kanilang biyahe sa Indonesia at Brunei.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nasa Bali, Indonesia na si Pangulong Aquino kahapon upang dumalo sa APEC Summit mula Oct. 7-8.

Sinabi naman ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang na susulitin ng Pa­ngulo ang pagdalo sa APEC upang maisulong ang interes ng Pilipinas.

Didiretso naman si PNoy sa Brunei sa Oct 9-10 para dumalo sa ASEAN Summit.

Kabilang sa 84-man delegation ni Pangulo ay sina Finance Sec. Cesar Purisima, DTI Sec. Gregory Domingo, NEDA chief Arsenio Balisacan, Secretary to the Cabinet Rene Almendras at PMS chief Julia Abad.

Nauna naman sa Bali sina Sec. Carandang at Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario.

Nakatakdang bumalik sa bansa ang Pangulo sa Oct. 10 pagkatapos ng kanyang 2 magkasunod na biyahe.

ARSENIO BALISACAN

BRUNEI

CABINET RENE ALMENDRAS

CESAR PURISIMA

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

FINANCE SEC

FOREIGN AFFAIRS SEC

GREGORY DOMINGO

JULIA ABAD

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with