^

Police Metro

Sumama sa iba si misis, mister nagbigti

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang mister na sumama sa ibang lalaki ang kanyang live-in partner kaya naisipan nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng inuupahang bahay sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Melchor Lim, 35, nakatira sa #111 P. Ducos St., Quaipo, Maynila.

Sa ulat ni PO3  Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre bandang alas-3:00 ng hapon nitong Sabado ang walang buhay na nakabigting biktima sa loob ng  kanilang kuwarto.

Sinabi ni Aling Virgina, ina ng biktima, huli niyang nakitang buhay ang kanyang anak dakong alas 7:00 ng umaga noong Sabado na malungkot at tila malalim ang iniisip matapos siyang iwan ng kanyang kinakasama.

Sinasabing, masyadong dinamdam ng biktima ang pag-iwan sa kanya at dalawa nilang anak ng kanyang misis at sumama sa ibang lalaki.

Ayon sa report, apat na beses na umanong  nagtangkang magpakatay ang biktima pero napipigilan lamang ng kapatid nito, ngunit sa ikalimang pagkakataon ay hindi na napigilan.

vuukle comment

ALING VIRGINA

AYON

DUCOS ST.

KINILALA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

MAYNILA

MELCHOR LIM

QUAIPO

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with