Binatilyo dedo sa rambol
MANILA, Philippines - Utas ang isang 17-anyos na binaÂtilyo nang masaksak sa pusod sa rambol na naganap sa harapan ng Harbour Square sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex, Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Nasawi habang ginaÂgamot sa Ospital ng MayÂnila ang biktimang si Bryan De Claro, residente ng #1690 Pampanga St., Tondo, Maynila.
Kaagad namang inaÂresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 9 ang itinuturong suspek na itinago sa paÂngaÂlang RiÂchard, 15,-anyos, nakaÂtira sa #573 Alfonso St., Barangay 123, Pasay City.
Sa salaysay ng saksing si Jowie Richie Buco, kabarkada ng biktima, nag-iinuman umano sila sa Jazz Simple Ambiance sa Harbour Square dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang magtungo siya sa comfort room upang umihi.
Sa pagbabalik sa lamesa ay hindi nito sinasadÂyang masagi sa kamay ang isa sa grupo ng mga suspek na noon ay nag-iinuman din sa kabilang lamesa. Tumapon umano ang hawak na isang basong beer ng suspek at nabasa ang kanyang t-shirt na naging dahilan ng pagtatalo at suntukan ng magkabilang grupo.
Naawat naman ng bouncer ang suntukan at pinalabas na lamang ng bar ang magkabilang panig pero muling nagkainitan ang dalawang grupo na nauwi sa mas matinding rambulan hanggang tumumba ang biktima dahil duguan ang kanyang tiyan matapos na siya ay pagsasaksakin.
Tumawag ng pulis ang may-ari ng bar na nagÂresulta ng pagkakaaresto ng isa sa mga suspek.
Ang biktima naman ay mabilis na isinugod sa pagamutan pero nalagutan din ng hininga ganap na alas-3:28 ng madaling-araw.
Depensa naman ng naÂarestong suspek na hindi siya ang sumaksak sa biktima at katunayan ay naawa umano siya kaya inabutan pa siya ng mga pulis na nakaakap sa biktima.
- Latest