Katulong ni Napoles pinalaya sa kulungan
MANILA, Philippines -Pinawalang sala at pinalaya ng Makati City Regional Trial Court ang ipinakulong na katulong ni Janet Lim Napoles sa kasong qualified theft makaraan na paboran ang inihaing mosyon ng Public Attorney’s Office na iatras ang kaso dahil sa gawa-gawa lamang umano ito ni Napoles.
Kaya naman ay ipinag-utos ni Makati RTC Branch 145 Judge Carlito Calpatura ang pagpapalaya kay Dominga Cadelina, 56-anyos na halos walong buwang nakulong sa Makati City Jail makaraang ipakulong noong Pebrero ni Napoles dahil sa pagnanakaw umano ng bag, underwears at jacket na nagkakahalaga ng halos kalahating milÂyong piso.
Kinuwestiyon ng PAO ang pagkakabilang sa underwear tulad ng panty sa tinatawag na “conjugal o community property†upang ipakita ang kanyang pagiging inosente.
Una nang sinabi ni Cadelina na iniregalo umano sa kanya ang mga gamit ni Napoles dahil sa papatapos na ang kanyang kontrata dito.
Kinuwestiyon rin ng mga abogado ng PAO ang hindi pagkakatugma ng inilabas nilang resibo sa tunay na halaga ng mga sinasabing ninakaw na gamit.
Dahil dito, hiniling ng PAO sa korte na maglabas ng “Demurrer to Evidence†o kakulangan sa ebidensya para sa kaso.
Una nang sinabi ni Cadelina na nagalit umano sa kanya si Napoles nang marinig na kumaÂkampi siya kay Benhur Luy, ang whistleblower sa “Pork Barrel scamâ€.
- Latest