Makati dadagsain ng ‘million people march’ ngayon
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamahalaang lungsod ng Makati at ang lokal na pulisya na handang-handa na sila sa isasagawang “Million People March†kontra sa “pork barrel†ngayong araw na ito.
Ayon sa Makati City Public Safety Department (MPSD), isasara nila sa trapiko ang kahabaan ng Paseo de Roxas mula sa kanto ng Ayala Avenue hanggang Sedeño St., dakong alas-10:00 ng umaga upang bigyang daan ang paglalagay ng entablado sa lugar.
Ganap na alas-2:00 ng hapon isasara sa daloy ng trapiko ang Ayala AveÂnue mula Makati Avenue hanggang Herrera St., para sa inaÂasahang pagdagsa ng mga tao na lalahok sa demonstrasÂyon na uumpisahan dakong alas-3:00 ng hapon.
Sa ipinalabas na ‘traffic re-routing scheme’, lahat ng pampasaherong bus mula sa EDSA ay dapat lumiko sa Sen. Gil Puyat Avenue tungo sa destinasyon o kumanan sa Ayala Avenue, kanan muli sa Makati Ave., at kumaliwa sa Sen. Gil Puyat Ave., tungo sa destinasyon. Lahat naman ng bus na galing sa South Luzon Expressway (SLEX), Sen. Gil Puyat Ave., at Pasay City ay maaaring dumaan sa Sen. Gil Puyat Ave., kakaliwa sa EDSA patungo sa destinasyon.
Ang mga pampasaherong jeep at light vehicles mula J.P. Rizal ay maaaring kumanan sa Makati Ave., kanan muli sa Paseo de Roxas, kanan sa Villar St., kaliwa sa EP Leviste St., kaliwa sa VA Rufino St., at kakanan sa Ayala Avenue tungo sa destinasyon.
Ang mga sasakyan na galing sa Washington St., ay papakananin sa Sen. Gil Puyat Ave., kanan sa Ayala Ave., kanan sa Salcedo St., kaliwa sa Benavidez St, diretso sa Esperanza St., kanan sa Makati Ave, kanan sa Arnaiz Ave, kanan muli sa Paseo de Roxas, kaliwa sa Dela Rosa St., kanan sa Salcedo St., at kakaliwa sa Ayala Avenue tungo sa destinasyon.
Ang mga behikulo naman na galing sa McKinley Road tungo sa Central Business District/Legaspi Village ay padadaanin sa Arnaiz Ave., kakanan sa Pase De Roxas tungo sa destinasyon at pabalik. Ang mga patungo naman ng Salcedo Village ay papasukin sa Ayala Ave., kanan sa Apartment Ridge, kaliwa sa Sta. Potenciana, kaliwa sa Paseo De Roxas tungo sa destinasyon. Pinapayuhan ang mga motorista na sundin ang alternatibong ruta na kanilang inihanda habang magpapakalat ng dagdag na tauhan ang MPSD sa kalsada.
- Latest