^

Police Metro

Abad pinagpapaliwanag sa DAP

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dapat anyang ipaliwanag ni Department of Budget and Management  (DBM) Secretary Butch Abad ang umano’y pina­migay nito na P10 mil­yon at P50 milyon na Dis­bursement Acceleration Program (DAP) sa mga mambabatas noong Coro­na impeachment trial.

Ayon kay independent minority block leader Ferdinand Martin Romualdez at Buhay partylist Rep. Lito Atienza, ang nabun­yag na extra pork sa mga mambabatas ay mas nagbibigay umano ng dahilan na i-itemized ang budget na hinahawakan ng pangu­lo para sa transpa­rency at accountability ng mga public funds upang maiwa­san ang mga pang-aabuso sa paggamit ng lump sum funds lalo na ngayon sumabog na naman ang panibagong kontrobersya sa pamimigay umano sa mga kongresista ng nasabing halaga.

Inakusahan naman ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Abad na sinungaling dahil wala naman umano siyang natanggap na ganun pondo dahil hindi naman siya nagbigay ng suporta sa pagpapatalsik kay Corona.

Giit ni Tiangco mali­naw na ito ay Corona sti­mulus fund o pabor sa mga mambabatas na bu­moto para mapatalsik ang dating punong mahistrado.

ABAD

ACCELERATION PROGRAM

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

LITO ATIENZA

NAVOTAS REP

SECRETARY BUTCH ABAD

SHY

TOBY TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with